8-anyos na babae, natagpuang patay sa Candelaria, Quezon

0
139

 

Bangkay na nang matagpuan ang walong taong gulang na batang babae sa damuhang bahagi sa Masim Sur, Candelaria, Quezon.

Ginahasa umano ang biktima. Ayon sa Canderalia Police, Enero 5 nang napaulat sa kanilang himpilan ang noo’y nawawalang bata. Makalipas ang isang araw, pasado alas 3:00 ng hapon ng Enero 6, natagpuan ang bata na walang ng buhay at wala nang pambabang kasuotan sa isang damuhan malapit sa mismong bahay nito.

Tinakpan ng mga damo ang bangkay nito. Ang 54-anyos na si Ricardo Burce, ang suspek sa pagpatay at panggagahasa sa kawawang bata.

Unang sinabi ni Burceo sa pulisya na nakita nya na dinukot ng puting van ang biktima pero sa patuloy na pag-iimbistiga ng mga awtoridad, inamin niya na siya ang may gawa sa krimen.

Sinakal umano ang bata hanggang sa mamatay saka umano ginahasa. Ayon sa pulisya, lasing ang suspek. Nasa kostudiya na ng Candelaria PNP ang suspek. Inihanda na rin ang kasong kahaharapin nito at isinailalim na rin sa drugtest upang malaman kung gumamit ito ng illigal na droga.