Drug pusher, patay sa buy bust operation sa Brgy. Ibabang Dupay

Dead on the spot ang isang drug pusher matapos umano itong manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang drug buy bust operation sa Purok San Francisco Brgy. Ibabang Dupay, Lungsod ng Lucena kahapon ng umaga Nobyembre 8.

Kinilala ng Lucena PNP ang napatay na suspek na si Edilberto Pacheco Jubac alyas Totoy, 33 anyos na kabilang sa drug watch list ng Lucena Pulis.

Ayon sa report ng pulisya, pasado alas 11 ng umaga nang isagawa ang buy bust kung saan nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis,

Nang makaramdam ang suspek na mga operatiba ang kanyang katransaksyon, tinulak nito ang mga pulis at tumakbo papasok ng kanyang bahay at bigla na lamang itong bumunot nang baril at nagpaputok. Dito na gumanti ang mga kapulisan na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Narekober kay Jubac ang isang plastic sachet ng shabu, 500 peso bill na ginamit bilang mark money at isang 38 kalibre na baril.