Humigit kumulang 2,500 karton ng gatas ipinamahagi sa elementary schools ng REACT PAGLUTAS sa Tayabas City

0
67

Humigit kumulang 2,500 piraso ng 250ml Nestle Low fat High Calcium na gatas ang ipinamahagi ng REACT Philippines PAGLUTAS sa iba’t ibang elementary schools sa lungsod ng Tayabas.

Kaugnay ito ng isinasagawang araw-araw na feeding program ng mga ekwelahan kung saan katumbas ng isang linggong supply ng gatas ang maipapamahagi sa mga batang benepisyaryo ng nasabing feeding program.

Limang eskwelahan ang nabigyan ng isang linggong supply ng Nestle Low Fat High Calcium milk na kinabibilangan ng Tayabas West 1 Elementary School, Tayabas West 3, Tayabas West 4, Domoit Elementary School-Tayabas at Ilayang Bukal Elementary School.

Ang pamamahagi ng gatas sa mga eskwelahan ay bahagi ng outreach activity ng REACT PAGLUTAS na pinamagatang PAGbibigay LUgod, Tuwa, At Saya at ang PAGLUTAS ay grupo mula sa REACT Philippines na nakabase sa Lungsod ng Tayabas. //Nick Pedro III