Konstruksyon ng farm to market road, priority project ng Brgy. Barra

0
66

 

Isa sa mga nakahanay na priority projects ngayong 2020 ng Barangay Barra sa Lungsod ng Lucena ang konstruksyon ng farm to market road.

Sa esklusibong panayam ng 89.3 FM Max Radio at Bandilyo, sinabi ni Kapitan Amelia Sobrevinas na matagal na nilang inaabyad ang nasabing proyekto upang hindi sila mamroblema kung sakaling magkaroon ng emergency.

“Tinugon naman ng DPWH, noong isang araw may pumunta na at sinurvey ang farm to market road,” pahayag ni Sobrevinas.

Sinabi pa ng punong barangay na nakahanay rin sa kanilang proyekto ay ang pagkakaroon ng covered court sa lugar. Bukod ditto, hindi rin daw mawawala sa kanilang priority projects ang pagsasaayos ng proctection wall sa barangay dahil dito umano nakasalalay ang buhay ng mga residente sa kaniyang nasasakupan.