18-anyos na sangkot umano sa kalakaran ng iligal na droga sa bayan ng Candelaria, tiklo sa buy-bust operation

Tiklo ang isang lalaking sangkot umano sa iligal na droga sa bayan ng Candelaria, Quezon matapos magpositibo sa ginawang buy-bust operation ng Candelaria Police.

Pasado alas-otso ng gabi sa Purok 4 Barangay Malabanban Sur nang nasabing bayan. Ayon sa Candelaria Police, target ng buy-bust operation ang binatang si John Mark Paragas Cuevas, 18-anyos, suspek sa kalarakan ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, postibong nakabili ang pulis na nagpanggap na buyer kay Cuevas dahilan para siya ay dakipin. Hindi na siya nakapalag pa matapos makuhaan ng apat na sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu. Narekober din ang isang pirasong 500 peso bill na nagsilbing marked money.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act at kasalukuyang nakaditine sa Candelaria Municipal Police Station