2, arestado sa isinagawang drug buy-bust operation sa Lucena City

Pasado alas dose ng tanghali, Nobyembre 21 sa Brgy. Cotta Lungsod ng Lucena, dalawang suspek ang natimbog sa durg buy-bust operation Milagros St. Capitol Homesite Subd. Purok Pinag-isa Brgy. Cotta sa nasabing Lungsod sa pinagsanib na pwersa ng PDEA, Quezon Provincial Drug Enforcement Unit at Lucena Pulis nang magpositibo sa operasyon nang makabili ng pinaniniwalaang shabu ang police poseur buyer.

Hindi na nakapalag pa sina Joey Vilano alyas uwe at Jan Michael Tabernilla pawing mga nasa hustong edad at residente ng nasabing barangay at sila ay newly identified drug personalities.

Siyam na sachets na may pinaniniwalang shabu ang nakumpiska sa mga ito na tumitimbang ng 2.20 grams na nagkakahalaga ng apat na libong piso.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Lucena City Police Station Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.