20 Quezonians nagtapos sa Kapatid Mentor Me Program ng DTI

Nagsipagtapos sa ilalim ng programa ng Department of Trade and Industry ang nasa dalawampung partisipante mula sa Lalawigan ng Quezon. Ang mga negosyante at magsisimula pa lamang na magnegosyo ay sumailalim sa pagsasanay sa Kapatid Mentor Me Program ng DTI. Sumabak sa masusing pag-aaral ang mga nagsilahok sa programa na isinagawa sa lalawigan. Nakumpleto ng nagsidalo sa programa ang labindalawang modules para sa product development, operations management, accounting, taxation, finance, obligations and contracts, human resource management, supply and value chain, succession planning at business plan development.

Ayon kay Ms. Julieta Tadiosa, DTI Quezon Officer in Charge, ang mga modules at materyales na ginamit sa pagtuturo sa mga participants ay mas pinasimple upang mas madaling maintindihan. Bago naman ang graduation ng mga ito sa programa ay nagpresenta sa isang panel ang mga ito ng kanilang BIP o Business Improvement Plan. Binigyan ng grado ang mga BIP ng bawat isa base sa effectiveness ng kanilang presentasyon sa iba’t ibang bahagi na napag-aralan ng mga ito sa programa.

Muli ay hinimok ng DTI ang mga sumailalim sa Kapatid Mentor Me Program na pag-ibayuhin pa ang natutunan sa programa upang mapaunlad ang kanilang mga negosyo.