3 drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Lucena City

0
613

http://https://www.youtube.com/watch?v=_ASXKMy3OM8

Tiklo sa pinagsanib na pwersa ng Lucena PNP, Provincial Drug Enforcement Unit, ang tatlong lalaking umano’y sangkot sa iligal na droga matapos magpositibo sa buy-bust operation sa Purok Bagong Masagana, Barangay Cotta, Lungsod ng Lucena.

Ayon sa pulisya, 1:30 ng madaling araw ng Disyembre 28 sa nabanggit na lugar sa ikinasang operasyon, nakabili umano ang pulis na nagpanggap na buyer na hinihinalang shabu sa mga suspek.

Hindi na nakapalag pa ang mga ito nang arestuhin ng operatiba. Kinilala ang mga suspek na sina Norly Patiam, Isagani Pacheco, at Allan Penis pawang mga newly identified drug personalities at residente ng Barangay Cotta.

Anim na sachet na may pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa mga ito. Nakuha rin ang 500 peso bill na nagsilbing marked money.

Kahaharapin ng mga suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.