7, arestado sa drug buy-bust operation sa Lucena City

Hindi na nakapalag pa ang pitong drug suspek, apat dito ay mga babae nang arestuhin ng operatiba ng Lucena Pulis nang magpositibo sa drug buy-bust operation sa Purok Riverside, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.

Pasado ala-una ng madaling araw Disyembre 10, ayon sa pulisya nang makabili ng pinaniniwalaang shabu ang pulis na nagpanggap na buyer. Sa hudyat sa pagsalakay ng arresting team, naaktuhan pang naghahanda ng shabu paraphernalia ang ilan sa mga drug suspek para sa pagbatak.

Kinilala ang mga ito na sina Jonathan Presas, Elizabeth Ario, Robelyn Madasuc, Oscar Ostonal, Caitlyn Ornedo, at Michelle Dejeto pawang mga residente ng nabanggit na barangay at si Mary Anne Magnaye ng Brgy. Cotta

Limang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa mga ito na tumitimbang ng 1.62 grams. Sila’y mga pawang nakaditine sa Lucena Police Station Custodial Facility habang kahaharapin ang kasong paglabag sa iligal na droga