Ala eh! Para sa Marawi – pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan at Lungsod ng Batangas

Tinugon ng Pamahalaang panlalawigan ng Batangas at Batangas City ang panawagan ng iba’t ibang civil society at volunteer groups na pagbibigay ng tulong sa mga kapwa Pilipinong nasa gitna ngayong na kaguluhan sa Marawi City. Katuwang ang Bureau of Customs ay naglunsad ng proyekto ang Lokal na pamahalaan ng Batangas upang maka-kalap ng anumang tulong upang madala sa mga kababayang nangangailangan sa Marawi City na hanggang sa kasalukuyan ay nasa kalagitnaan ng kaguluhan dahil sa pag-atake ng Maute Terror Group at Abu Sayaf.

Sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng mga teroristang grupo sa Marawi City. Sinasabi ring may tatlong barangay pa sa Marawi ang kontrolado pa rin ng Maute terror group na pilit na binabawi ng mga sundalo.

Nagpahayag naman samantala si Defense Sec. Delfin Lorenza na aabot sa 200 indibidwal ang kasama ang ilang pulitiko sa mga aarestuhin sa Mindanao Region kaugnay ng Martial Law.