Ang mga senior citizens ang tunay na kumakatawan sa mabubuting paninindigan – Kon. Manong Nick

“Hindi tayo papayag na maagrabyado ang sinumang senior citizen sa ating LGU o Lungsod ng Lucena, itaga niyo ‘yan sa bato!”

Sapagkat ang senior citizen ang tunay na kumakatawan sa mga mabubuting paninindigan yan ang sinabi ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro Jr. sa harap ng 1500 na senior citizens sa kanilang pagtitipon sa Punzalan Gym sa Lucena City umaga ng Nobye,bre 26 .

“Ano mang meron tayo ngayon ay ‘yong ang kinakatawan ng mabuti ng senior citizen kaya huwag tayong mahihiya ‘pag sinabing tayo’y senior citizen, iisa lang ang isasagot natin sa kanila, kung wala kami, wala kayo,” pahayag ni Kon. Manong Nick.

Tumanggap ang mga seniors ng kanilang birthday gift mula sa lokal na pamahalaan na bahagi ng programa ng pamahalaang Panlungsod ng Lucena.

Ayon kay Manong Nick, nararapat lamang na ibigay sa sektor na ito ang mga tamang benepisyo hindi raw kasi matatawaran ang naging bahagi ng mga ito sa lipunan.