Ariza: Nirerespeto namin ang human rights

Sa panayam sa telepono sa programang 4M ng 89.3 FM Max Radio at Bandilyo TV, sa hepe ng Lucena PNP P/Supt. Reydante Ariza, sa halos dalawang buwan nito bilang chief of police sa Lucena City, sa mga ginawang operasyon kontra sa iligal na droga sa iba’t ibang barangay sa Lungsod, marami na ang nahuli at 11 naman ang napatay sa operasyon na di umano’y nanlaban sa operatiba.

“Talagang nanlaban man kung mayroon mang ganoong sitwasyon,” sabi ni Ariza.

Pinabulaanan naman ito ng ilan sa mga pamilya ng drug suspek na umano’y nanlaban.

Ayon kay Ariza, sa mga drug operation na kanilang ginawa tiniyak na walang paglabag sa human rights sa mga drug suspek

“Nirerespeto po natin ang human rights sa katunayan nga po may mga pag-aresto rin po tayo,” dagdag pa ni Ariza.

Samantala, kamakailan sa isang pahayag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson dapat daw hindi napapatay ang mga drug suspek o tulak ng iligal na droga at alamin sa mga ito ang pinagkukunan ng supply.