Assessment para sa Seal of Good Local Governance isinagawa na sa Lungsod ng Lucena

Nagsasagawa na ng assessment and lokal na opisina ng DILG, pamahalaang panglungsod ng Lucena at iba pang katuwang sa gawain para sa 2017 Seal of Good Local Governance o SGLG. Ang SGLG ay taunang isinasagawa ng DILG katuwang ang mga Local Government Units sa buong bansa upang makita kung nagpe-perform ang mga lokal na pamahalaan sa pagsisilbi sa mamamayan.

Nakipagpulong si Mayor Dondon Alcala kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaang panglunsod at DILG upang maipakita sa mga ito ang mga aktibidad na ginagawa ng pamahalaan para pagsilbihan ng mabuti ang mga Lucenahin.

May anim na elemento ang Seal of Good Local Governance, ito ay ang 1) good financial keeping, 2) disaster preparedness, 3) social protection, 4) business friendliness and competitiveness, 5) environment management, and 6) peace and order.