Bangky, natagpuang patay sa Plaridel

Patay na nang matagpuan si Jose Clemente de Andres alyas Nonong o mas kilala sa showbiz na Bangkay matapos umanong magbigti.

Batay sa report ng Quezon-PNP, bandang 4:30 ng madaling araw ng Nobyember 6 sa Tumagay Beach Resort, Brgy Tumagay, Plaridel Quezon, nakita ang biktima na nakabitin ang katawan sa isang cottage sa lugar gamit ang isang tie wire.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, posibleng depresyon sa kalusugan dahil sa iniindang karamdaman na severe emphysema ang dahilan nang pagwawakas nito sa sariling buhay sa edad na 71