Bangon Sacre Campaign, mabilis na kumalat sa social media

Lumalakas ngayon sa social media ang panawagang #Bangon Sacre mula sa mga Cordians at mga inbidwal na nagmamalasakit sa Sacred Heart College matapos masunugan sa unang araw ng taong 2019.

Ilang oras matapos masunugan ang Sacred Heart, agad kumalat sa social media ang call of support para sa muling pagbangon ng paaralan.

Ang SHC ang pinakamatandang catholic school sa Lucena City. Marami sa mga alumni nito ay maitututring ng successful sa kani-kanilang career at ngayon ay panahon naman umano na tumulong sila sa kanilang alma matter sa reconstruction nito.

Samantala, inaasahang dadagsa ang financial support sa nasabing paaralan dahil sa mabilis at malawakang hashtag bangon sacre campaign.