Bilang ng mga estudyante sa sa ikalawang araw ng regular na klase, mababa pa rin

Mababa pa rin ang bilang ng mga estudyanteng pumapasok sa mg paaaralan, sa ikalawang araw ng regular na klase sa taong 2019 Jan.4, ilang araw matapos ang holiday vacation.

Sa Lucena City, sa West 1 Elementary School, isa sa pinakamalaking elementarya ng Lungsod na may tinatayang aabot sa 4,000 ang mga estuyante, ayon kay School Monitoring and Evaluation Coordinator Adrian Maaño, 26% o kabuuang 985 na estudyante lang ang pumasok ngayong araw. Mataas lamang ng ilang porsyento noong Jan.3, sa unang araw ng pasukan sa taong kasalukuyan na 18.25% n may kabuuang 595 na mga mag-aaral. Itoy sa kabila ng pag- papaalala ng mg guri sa pamamagitan ng pagte-text na regular na ang klase.

Isa sa mga tinitingnang dahilan kung bakit kakaunti ang mga estudyanteng pumasok ay ipit na araw! ito rin ang nakikitang dahilan ng ilang magulang.

Ilan sa mga classroom ng nasabing paaralan ay hindi manlang makakalahati ng estudyante, may isang silid pa nga na anim lamang ang mag aaral.

Gayunpaman, tuloy parin ang klase. Sa lunes inaasahan na mas marami na ang mga estuyanteng papasok, doble effort sa pag rereview ang mga guro’t mga mag- aaral dahil nalalapit na ang final examinations.