Biñan City, Laguna pinabibilis ang proseso ng pagkuha Business Permit

Nagpapatupad ngayon ang Lungsod ng Biñan sa Lalawigan ng Laguna ng streamlining ng kanilang Business Permits and Licensing System upang mas mabilis na mapagsilbihan ang kanilang mamamayan. Una sa listahan ng ginagawang pagsasa-ayos at improvement ng lokal na ahensya ng Biñan City ay ang kanilang customer service. Nagsagawa ng restructuring ang lokal na pamahalaan upang magkaroon ng maganda at episyenteng transaksyon para sa mga kukuha ng business permit. Nagkakaroon din ng kapanya ang pamahalaan sa buong lungsod patungkol sa pagkuha ng lisensya sa pagnenegosyo upang maging legal ang kanilang hanapbuhay.

Naglagay din ng mga pwesto para sa pagpo-photo copy ng mga dokumento sa paligid ng City Hall upang mas marami ang mapag-pilian ng mga kliyente ng pamahalaan sa kung saan magpapa-duplicate ng kanilang mga required na dokumentong isusumite sa gobyerno. Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga paraan ng Biñan City Government upang lalong mapabilis ang kanilang pagse-serbisyo sa mga residente ng lungsod.