Birthday Gift para sa Senior Citizen ng Lucena ibinigay ng pamahalaang panglunsod

Mahigit sa 1,400 mga senior citizen ang tumanggap ng kanilang birthday gift mula sa pamahalaan panlungsod. Inipon ang mga senior citizen na nagdaraos ng kanilang mga kaarawan noong nakaraang buwan ng Mayor mula sa iba’t ibang barangay sa buong lungsod. Ang pagbibigay ng pa-birthday ng pamahalaan ay isinagawa sa Punzalan Gym kamakailan lamang.

Pinangunahan ni Mayor Dondon Alcala ang okasyon katuwang si Executive Assistant Mr. Joe Colar. Binati ng Alkalde ang lahat ng mga Senior Citizen na dumalo sa aktibidad na nagdiwang ng kanilang kaarawan.

Samantala namahagi rin ang pamahalaang panglungsod ng mga wheelchairs para sa mga Lucenahing nangangailangan nito. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga Lucenahing nabiyayaan ng mga wheelchair dahil mas magiging madali na ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.