Carnapper, arestado ng Quezon Highway Patrol Group

 

Hindi na nakapalag pa sa tauhan ng Quezon Highway Patrol Group sa superbisyon ni Police Chief Inspector Ira Morello ang isang lalaking wanted person sa kaso ng carnapping matapos itong mahuli sa kanyang pagtatago.

Ayon sa Quezon HPG, noong Nobyembre 12 nang matunton nila ang suspek na si Anthony Clemente Losloso, 38 anyos, residente ng Bicol Blk. Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City sa pinagtataguan nito sa Purok 6 Brgy. Pangao Lipa City. Sa bisa ng warrant of arrest kaagad na dinakip ang suspek sa kasong carnapping.

Si Losloso umano ay sangkot sa ibat ibang kaso ng pagnanakaw ng sasakyan. Ayon sa HPG, ang pagkakahuli kay Losloso ay patunay lamang daw na walang sinumang kriminal ang makakapagtago sa batas. Sila sa kanilang hanay ay patuloy daw na gagampanan ang kanilang mga trabaho.