Community mobilization program sa Brgy. 9, epektibo; mga residente, katuwang sa pagsugpo sa iligal na gawain

“Ang mga ka-barangay ko ay sumasang-ayon at nakiisa sa programa ng ating pamahalaan,”

Epektibo raw ang community mobilization program sa Brgy. 9, Lucena City katuwang daw ang mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang lugar. Ayon kay Kapitana Filipina Flancia lalo na sa kampanya sa iligal na droga.

Sa tulong ng mga sumbong ng mga residente, kaagad na naipaaalam sa mga awtoridad ang anumang mga iligal na gawain

“Lahat ng aming ka-barangay dito ay alerto na dyan kasi ayaw din naman nila na sila ay masangkot kasi kita mo sa ibang barangay, may napapatay pero rito sa aming barangay, nasusugpo agad sa tulong ng aming mg aka-barangay,” pahayag pa ng kapitana.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng barangay sa kapulisan upang higit na maayos ang katahimikan sa lugar.

Patuloy ring hinihikayat ang mga mamamayan na magsumbong sa barangay sa nakikita o nalalaman na iligal na aktibidad. Sa ganitong kalakaran, positibong tinitingnan ni Kap. Flancia ang magiging bunga sa kapayapaan sa lugar.

Pagtutulungan, pakiisa sa barangay ang susi daw ani ni kapitan sa pag-unlad ng komunidad.