Dalawang kabataang Lucenahin paparangalan ng Sangguniang Panglungsod

Bibigyang pagkilala ng Sangguniang Panglungsod ng Lucena ang dalawang mahuhusay ng estudyante na kabilang sa 10 most outstanding student of the Philippines, Regional Awardee. Ito ay sina Ericka Joy Orig at Arby Lagman na kapwa magaaral ng Manuel S. Enverga University Foundation.

Si Arby Lagman na Regional Awardee ng 2017 Ten Outstanding student of the Philippines ay Cum Laude sa kursong BS Environmental Science kung saan kasama rin siya sa finalist ng 10 Most Outstanding Student of the Philippines sa nasyunal na lebel.

Isinasagawa taun-taon ang Ten Most Outstanding Student of the Philippines bilang pagkilala sa mga natatanging mag-aaral hindi lamang sa kanilang husay sa eskwelahan gayondun ang kanilang ambag sa lipunan bilang mahuhusay na lider.

Pangunahing may akda ng panukala sa Sangguniang Panglungsod ng Lucena ay sina Lucena City Councilor Sunshine Abcede at si Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro na kapwa lider estudyante rin sa mga nakaraang panahon.