Dati nang nakulong dahil sa iligal na droga, arestado sa buy-bust operation

Dati nang nakulong sa kasong paglabag sa iligal na droga at nakalaya noong July 3 kasalukuyang taon sa Pagbilao Jail si Reynaldo Olivera, 36 anyos residente ng Brgy. 2 sa Lucena City.

Ayon sa Lucena PNP, 7:00 ng gabi, Nobyembre 27 sa Barangay 6 sa nasabing Lungsod sa buy-bust operation nang magpositibo, muling natiklo si Olivera hindi na nakapalag pa sa operatiba ng pulisya. 12 sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa suspek na tumitimbang ng 10 gramo.

Tinatayang aabot sa 50,000 ang halaga nito. Muling kahaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.