Day Care pupils ng Pagbilao, Quezon nagtagisan ng galing sa drawing

Nagsagawa ang Pagbilao MSWDO o Municipal Social Welfare and Development Office ng isang drawing contest para sa mga day care children bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Children’s Festival ngayong buwan ng Nobyembre. Sa temang “Bata ligtas sa droga,” inumpisahan ng mga cay care pupils ang pagko-kosepto ng kanilang nais iguhit para sa patmpalak. Mismong ang mga taga-MSWDO ang gumagabay sa mga bata at pumili ng mga natatanging guhit ng mga kabataang Pagbilaowin. Sa mga susunod na araw naman ay may mga naka-kasa pang programa para sa mga kabataan alinsunod sa pagdiriwang ng Childrens Festival.

Ang Children’s Festival ay alinsunod naman sa deklarasyon ng United Nations General Assembly na nagde-deklarang National Children’s Month ang buwan ng Nobyembre. Ang DSWD o Depatment of Social Welfare and Development at National Youth Commission naman ang mga lead agencies para ito ay isagawa sa buong bansa. Base din sa Republic Act 10661 ang dalawang ahensya ring ito ay awtorisadong tawagan o kumuha ng tulong sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang mga Government Owned and Controlled Corporations upang maisakatuparan ang kanilang mandato.