Day Care Worker’s Week ipinagdiwang sa Lalawigan ng Quezon

Ipinagdiwang kamakailan sa Lalawigan ng Quezon ang Day Care Worker’s Week na ginanap sa Quezon Convention Center at pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigang ng Quezon. Sa programa nito sa Quezon Convention Center ay nagbigay ng mensahe si Quezon Governor David Suarez sa mga day care workers tungkol sa importansya na kanilang ginagampanan sa paghubog sa mga kabataan ng Lalawigan ng Quezon. Nagpamalas rin ng kani-kanilang mga talento ang ilang day care workers sa pamamagitan ng isang dance number. Namahagi naman ang maybahay ni Gov. Suarez na si Alona Partylist Cong. Anna Suarez ng food carts sa ilalim ng programa nitong Food Cart ni Juana.

Ang Day Care Worker’s Week ay isineselebra upang ma smapatibay ang kapabilidad ng mga day care workers sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman. Bukod dito ay layunin din ng aktibidad na makabuo ng pagkakaisa, kooperasyon at pakikipag-kaibigan sa iba’t ibang day care workers sa mga bayan at lungsod ng isang lalawigan.