DepEd at iba pang ahensya ng gobyerno nagtulong tulong para sa maayos na pagbubukas ng klase

Sa pangunguna ng Department of Education ay sinuguro ng ahensya at iba pang kapartner nito ang maayos at ligtas na pagbubukas ng klase ngayong June 5 sa buong bansa. Sa command conference ng Oplan Balik Eskwela ay nakiisa ang mga ahensya ng gobyerno upang mapanatili ang kakayusan ng daloy ng trapiko, peace and order, kasama rin ang pagmonitor sa presyo ng iba’t ibang bilihin para sa eskwelahan at estudyante at pangangailangan ng sapat na supply ng kuryente at tubig ng mga paaralan. Nakipag ugnayan din ang DepEd sa mga barangay upang makatuwang sa maayos na pagbabalik ng mga estudyante sa kani-kanilang eskwelahan.

Kabilang ang Philippine National Police bilang partner agencies ng DepEd, MWSS sa kamaynilaan, Meralco, Department of Trade ang Industry, PAGASA, DPWH at iba’t ibang NGO at civic groups.

Sa Lungsod ng Lucena samantala ay naging maayos naman ang unang araw ng pag-pasok ng mga mag-aaral. Ayon sa mga guro at estudyanteng nakapanayam ng Bandilyo TV maayos naman ang naging takbo ng unang araw ng klase.