Direktiba ng Chief PNP kontra iligal na sugal dedma lang sa Lucena PNP

Hindi ginagalang ng kapulisan ang direktiba ni Police Director General Ronald Bato Dela Rosa sa war on Illegal Gambling sa bansa.

Ganito ang tema ng mga mensaheng natatanggap ng Bandilyo TV sa Current Affairs Program nito sa Umagang Tambayan at Tambayan PM.

Bunsod ito ng itinayong pasugalan sa likod ng isang Mall sa barangay 3 sa Lungsod ng Lucena na itinatago sa pamamagitan ng Carnival habang nasa saloob ng dapat ay pampamilyang pasyalan ang mga lamesa ng color game at embudo na pinagsusugalan hindi lang ng mga matanda kundi pati na rin ang mga kabataan.

Ayon sa mga mensaheng ipinadala sa Bandilyo TV para punahin ang pasugalan ay tila hindi daw pinapansin ang direktiba ni Police Director General Ronald Dela Rosa sa gyera sa ilegal na pasugalan.

Mayroon ding pinagdududahan ang integridad at kredibilidad ng kapulisan dahil sa ayon sa mensahe ay matagal na ang pasugalan pero walang aksyong ginagawa ang PNP.

Dapat din daw na malaman ng PNP Headquarters ang nangyayaring hindi pagpansin sa pasugalan sa lungsod ng Lucena dahil nadudungisan daw ang linya ng pambansang pulisya.

Ang Colorgame at iba pang pasugalan sa Lungsod ay nagsimula noong bago pa sumapit ang buwan ng Mayo at hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang operasyon ng illegal na pasugalan.