Drug suspect na dati nang nakulong sa kasong pagnanakaw, patay matapos umanong manlaban

Patay ang isang drug suspect sa Barangay Cotta, Lucena City matapos umanong lumaban sa pulisya nang magpositibo sa buy-bust operation.

Sa report ng Lucena PNP, mag-aalas singko ng umaga, Pebrero 11 Purok matahimik Isla nang nabanggit na Barangay. Target ng City Drug Enforcement Unit sa buy-bust ang suspek na si Dennis Valles, 38 anyos kabilang sa mga drug watch list ng Lucena Police at dati nang nakulong sa kasong pagnanakaw.

Positibo umanong nakabili ang pulis na nagpanggap na buyer na may limang sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu sa suspek. Ayon sa pulisya, nang aarestuhin na ng operatiba, tumakbo umano si Dennis sa kanyang bahay, kumuha ng kalibre 38 baril at pinaputukan ang arresting team subalit nang gumanti ang putok ang otoridad, patay ang suspek nang mapuruhan.

Bukod sa mga shabu, nakuha rin sa insidente ang mga pera kabilang na ang marked money