DTI nagbabala sa mga nagsasamantalang negosyante

Nagbabala ang Department of Trade and Industry sa mga negosyante na huwag samantalahin ang mga mamimili sa pagtataas nila ng sobra sa presyo ng mga bilihin. Kamakailan ay nakahuli ang DTI kasama si DTI Consumer Protection Group Undersecretary Atty. Teodoro Pascua ng mga tindahan na malapit o nasa terminal ng mga bus na umaabot sa mahigit isang daang porsyento ang itinaas ng presyo ng bottled water. Sa pag-iimbestiga ng DTI nalaman ng mga ito na karaniwang itinataas ang presyo ng bottled water ay ang mga brands na wilkins, nature spring at summit mineral water.

Ang mga mahuhuling tindahan o establishments na sinasamantala ang mga consumer sa pagtataas ng presyo ng kanilang bilihin ay maaaring magmulta ng hindi bababa sa 20k pesos hanggang isang milyong piso depende sa bigat ng kasalanan ng mga ito.

Nagpaalala naman ang lokal na sangay ng Department of Trade and Industry na alaming mabuti ang detalye ng kanilang bibilhin kahit simpleng inuming tubig lamang ito upang hindi masamantala ng ilang mga negosyante. Maaari ding bumisita ang consumer sa www.e-presyo.dti.gov.ph para tamang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.