Farm to market road pinasinayaan sa San Pablo City, Laguna

Pinasinayaan sa San Pablo City, Laguna ang isang nakumpletong farm to market road para sa kanilang mamamayan. Pinangunahan ni Gov. Ramil Hernandez ang pagpapasinaya ng bagong tapos na kalsada sa Barangay Dolores, San Pablo City. Ayon sa pamahalaang lokal, bago ang pagpapasemento nito ay nagtitiis ang mga residente nito sa mabato at lubak-lubak na daanan at kapag umulan naman ay napuputikan ang mga nagsisidaan sa lugar. Sa pagkakatapos anila ng kalsadang sementado ay mas magiging maayos at kumortable na ang kanilang magiging biyahe papasok at palabas ng kanilang lugar gamit ang farm to market road. Magiging mabilis din ayon pa sa pahayag ng pamahalaang lokal ang pagbiyahe ng mga produktong manggagaling sa barangay.

Sa pahayag naman ni Gov. Hernandez ay nagpasalamat ito sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan na tumulong na maisaayos ang proyekto. Nagpasalamat din ang gobernador sa mainit na pangtanggap sa kanila ng kapitan ng Barangay, Kapitan Fred Espiritu at buong Sangguniang Barangay ng Dolores sa San Pablo City.