Former Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr., kinilalang nabawasan ang droga sa poblacion ng siyudad

In-acknowledge o kinilala ni former Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr. na nabawasan ang dating sinasabing talamak na ilegal na droga sa Lungsod ng Lucena. Ginawa ito ng dating alkalde sa exclusive interview ng 99.7 FM at Bandilyo TV. Ayon kay Talaga, nabawasan daw ang kaso o nababalitaang paggamit ng ilegal na droga sa poblacion ng siyudad.

Subalit sa kabila ng pagkilalang ito ng dating alkalde ay hindi naman anya nawala at naging talamak ang ilegal na droga sa mga laylayan ng Lungsod ng Lucena.

Samantala, dapat ani Talaga na tawagan ng pansin ang Hepe ng Lucena PNP, Police Supt Arturo Brual na mag double time. Dahil hindi daw naniniwala ang taong bayan ayon pa rin sa dating alkalde na isandaang porsyento ang inisyatiba ng kapulisan sa laban kontra droga.