Gov. Suarez, tatakbo sa pagkakongresista sa ikalang distrito ng Quezon

Opisyal ng kandidato sa ikalawang distrito ng Lalawigan ng Quezon sa pagkakongresista para sa 2019 midterm election ang kasalukuyang gobernador ng lalawigan David “Jayjay” Suarez na nasa huling termino na matapos nitong pormal na maghain ng Certificate of Candidacy (COC), 10:22 ng umaga, Nobyembre 28 sa pamamagitan ng substitution.

Pinalitan ni Suarez ang kanyang pinsan na si Tinton Suarez na una nang nagfile ng COC sa pagkacongressman sa 2nd district.

Matatandaang huling buwan ng Setyembre kasalukuyang taon, lumipat ang gobernador ng residency sa bayan ng Tiaong na nagpatibay noong tsismis pa lamang sa pagkandidato sa ikalawang distrito.