GSIS Chief Francisco Duque sinabing mas pinaigsi ng ahensya ang oras o araw ng pagpo-proseso ng mga loans at iba pang serbisyo

Sa isang okasyon na isinagawa ng Government Service Insurance System o GSIS sa Lungsod ng Tayabas ay sinabi ng Chairman ng ahensya, Mr. Francisco Duque na ngayong taon ay kanila nang sinimulan ang mas pinaigsing oras ng pagpoproseso ng iba’t ibang loans na inia-alok ng GSIS. Ayon kay Duque ay mas mababa pa sa tatlumpung araw ang kailangang ipaghintay ng ng kanilang mga kliyente para sa pagke-claim ng mga insurance. Mula naman sa dating 45 days ay 40 days na lamang ang kailangan para sa motor vehicle claims at iba pang service loans. Ang salary loans at iba pa ay maaari namang matapos sa loob ng tatlong araw ayon pa kay Duque. Ibinandilyo rin ni Duque malapit na ring pasinayaan ang inisyal na programa ng GSIS at ng Department of Education upang mas ma-enhance pa anya ang financial capacity ng mga kawani ng DepEd. Ang DepEd din ayon pa sa Chairman ng GSIS ang pinakamalaki nilang kliyente na umaabot sa halos kalahati ng kabuuang miyembro ng ahensya.

Aminado naman samantala si Duque na marami pang kailangang isaayos sa GSIS. Isa sa kailangan ng improvement ayon sa chairman ay ang kanilang koleksyon upang mas mapalakas pa ang ahensya. Ibinandilyo din nito na sa Lalawigan ng Quezon ay naglagay ng nasa labing limang kiosks, walo anya dito ay nasa iba’t ibang LGUs, dalawa sa mga siyudad at ang iba pa ay nasa DepEd offices at GSIS Lucena Office.