Handa ba ang mamamayan sa lindol?

Bagamat wala pang teknolohiya na maagang makakapagsabi kung kelan magkakaroon ng lindol mas mabuting maging handa, maging preparado upang mabawasan ang mas matinding epektong hatid sakaling mangyari ang hindi natin inaasahang kalamidad. Bahagi ng paghahandang ginagawa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ay ang pre-positioning ng mga relief goods sa mga warehouse na mapupuruhan ng lindol. Ngayon pa lamang ay dapat na kumilos tayo. Dapat magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa mga dapat gawin.
Pero kailangang maging aktibo rin ang gobyerno mula sa barangay level ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa taumbayan patungkol sa pinangangambahang malakas na lindol.

Tulad na lamang ni Tita Baby Vergara na nakatira sa barangay tres lungsod ng lucena kailangang maging alerto o handa kung saan sila ay lilikas sa pwedeng lipatan na maaari silang ligtas.

Ayon naman kay Reynaldo Matias kailangang iligtas ang mga bata lalo na’t wala pa itong sapat na kaalaman ukol hindi inaasahang kalamidad.

Samantala kaakibat ng pagiging handa nating lahat ay pairalin pa rin ang pagdarasal upang mailayo ang ating bansa sa anumang trahedya lalo na ang The Big One dahil wala nang lalakas pa sa sama-samang pagdasal para makamit nating ang ating kaligtasan.