Hepe ng Lucena CADAC, pinabulaanan ang isyu na protektor umano ng iligal na droga si Mayor Alcala

Sa kabila nang sinasabi ng mga kalaban sa pulitika ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala na di umano’y protektor daw ito ng iligal na droga, pinabulaan ito ni Francia Malabanan, hepe ng City Anti-Drug Abuse Council o CADAC.

“Kung mayroon pang droga rito sa Lungsod ng Lucena, ang proper authority dyan na pwedeng sumagot ay Lucena PNP. Base po sa pakikipag-usap natin palagi po nilang sinasabi na wala na raw droga sa lungsod ng Lucena. Hindi po ito katulad noong dati, na sinasabing nagbebentahan ng harapan,” pahayag ni Malabanan.

Matatandaang sa isang panayam ng 89.3 FM Max Radio at Bandilyo TV kay Lucena PNP Chief Police Superintendent Reydante Ariza, sinabi nito na wala na umanong makuhaan ang mga user at pusher ng iligal na droga sa lungsod kung kaya sila-sila na mismo ang nagbebentahan ng naka selyadong sachet na tawas.

Ikinuwento rin ni Malabanan kung ano ang order sa kanya ng punong lungsod at kung bakit umabot ng limang milyong piso ang pondo ng CADAC sa kasalukyang administrasyon.

Dahil dito, positibo ang hepe ng CADAC na mas bubuti pa ang kanilang performance dahil sa suporta ni Mayor Alcala at ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena.