Holiday season sa Lungsod ng Lucena, generally peaceful ayon sa Lucena PNP

[embedyt] https://www.youtube.com/watch?v=e4e7Lx9chto[/embedyt]

Naging mapayapa ang Christmas season at pagsalubong ng Bagong Taon sa Lungsod ng Lucena. Ito ang pagtaya ng Lucena PNP sa pamumuno ni PSupt. Reydante Ariza, hepe ng Lucena City Police Station, sa harap ng patuloy na pagpapatupad nang mas mahigpit na seguridad.

Sinabi pa ni PSupt. Ariza, kaya naging mapayapa ang pagsalubong sa bagong taon ay naging cooperative ang mga mamamayan sa lungsod.

Ito ay sa kabila na mga pagsubok na pinagdadaanan ngayon ng Lucena PNP sa pagpapatupad ng seguridad.