Iba kapag halal ng bayan! –Kon. Sunshine Abcede

Naniniwala si Lucena City Councilor Sunshine Abcede na iba ang magiging tingin ng mamamayan ng anumang bayan o lungsod sa mga barangay official kung masusunod ang balak ng administrasyon na i-postpone muli ang halalang pambarangay at mag-appoint na lamang ng mga opisyales nito. Maaari anyang mawalan anya ng galang at pagtitiwala sa isang opisyal kung ito ay hindi inihalal ng taong barangay.

Sa kabaligtaran naman nito ayon pa kay Abcede ay maaaring maging pabaya o walang pakialam sa kanyang mga kabarangay ang ia-appoint lamang na opisyal dahil na rin sa wala itong magiging pananagutan sa mamamayan dahil hindi naman siya ibinoto ng mga ito. Ang utang na loob anya nito ay nasa nag-appoint at wala sa taong bayan kaya mas malaki ang tsansang hindi nito magawa ang pagsisilbing nagagawa ng mga inihalal ng mamamayan.