Infanta PNP, naaresto ang newly identified drug personality sa munisipalidad

Upang mapabilang ang bayan ng Infanta sa isa sa mga drug cleared municipality sa Lalawigan ng Quezon at hindi na mapasukapan pa ng iligal na droga agad na nagsagawa ang Infanta PNP ng buy-bust operation sa isang barangay na sakop ng nasabing bayan.

Matapos ang operasyon kaagad ding naaresto ang isang newly identified drug personality na kung saan ang suspek na ito ay residente ng Calamba na nagbabagsak lamang ng iligal na droga sa lugar. Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Chief Insp. Lowell Atienza, ang hepe ng Infanta Municipal Police Station sa eksklusibong panayam ng 89.3 Max Radio FM at Bandilyo TV.

Ayon pa kay Atienza, matapos magpositibo ang impormasyon ng isang impormante agad silang tumungo sa lugar upang magpanggap na bibili ang isang pulis at doon na nga nahuli ang suspek.

Samantala, ayon pa sa hepe ng Infanta PNP hindi sila magsasawa na hulihin ang mga gumagawa ng anumang iligal na aktibidad sa kanyang nasasakupan.