Inter-Purok/Barangay Basketball Tournament sa Lucena City, pormal nang binuksan

Pormal na binuksan nina Mayor Roderick Alcala at Vice-Mayor Philip Castillo ang Sangguniang Kabataan Inter Purok / Barangay Basketball Tournament sa Quezon Convention Center ng Lungsod ng Lucena.

Ayon kay Alcala, ito na ang ikalawang inter-purok at inter-barangay kung saan hindi raw magagawa kung wala ang partisipasyon ng mga opisyal ng barangay at mga sk chairman.

Sa proyekto raw na ito ay nagtulong ang barangay at ang City Government of Lucena. Binanggit pa ng alkalde na ang palarong ito ay libre lahat at walang gagastusin.

Samantala, sinimulan ang programa sa parada ng bawat barangay kasama ang kanilang mga player at muses. Pagkatapos ay pumili ng over-all best muse kung saan ang napili ay si Cleveris Villapando ng Barangay Cuatro.

Nakiisa rin sa event na ito sina Councilors Anacleto Alcala III, Rhaetia Marie Abcede Llaga, Nicanor “Manong Nick” Pedro Jr., Wilbert Mckinly Noche, Christian Ona, Benito “Baste” Brizuela Jr., German Ver Castillo, Vic Paulo, Amer Lacerna, Danny Faller, SK Federation President Councilor Patrick Nadera, ABC President Councilor Jacinto “Boy” Jaca, City Administrator Anacleto Alcala Jr., Secretary Leonard Pensader ng Sanggunian Panlungsod at mga kapitan ng bawat barangay kasama ang kanilang mga Kagawad, SK Chairman at SK Kagawad