Interes sa pabahay ng Pag-Ibig Fund 3% na lang!

Inanunsyo ng Pag-ibig Fund Lucena City Office ang pinaka-mababang housing loan interest sa merkado para sa mga miyembro ng ahensya na minimum wage earners. Ayon kay Michael Regaza ng Lucena City Office ng Pag-Ibig ay naaprubahan na ng Board of Trustees ng Pag-Ibig Fund ang pagpapababa ng interes sa ilalim ng programa ng ahensya para sa abot-kayang pabahay na mayroon lamang 3%. Ayon kay Regaza ay magandang oportunidad ito para sa mga miyembro ng Pag-ibig na low income earners para matupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan. Ang mga ito ay maaaring makapag-loan ng hanggang 450,000 thousand pesos o halos kalahating milyong pisong halaga para sa pabahay.

Ayon naman kay Pag-Ibig Fund Officer in Charge Acmad Rizaldy Moti, ang hakbang na ito ng ahensya ay bilang pagtalima sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng access sa murang pabahay.