Ipinagmalaki ni 2nd District Board Member Bong Talabong ang malaki anyang natipid ng pamahalaang panlalawigan

Ipinagmalaki ni 2nd District Board Member Bong Talabong ang malaki anyang natipid ng pamahalaang panlalawigan ng umutang ito ng dalawang bilyong piso. Ayon kay Talabong ay naibaba nila ng hanggang apat na porsyento lamang ang interes ng 2 bilyong pisong utang at nangangahulugan anya ito ng milyong pisong natipid na interes ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Talabong na noong siya pa ang chairman ng ways and means committee ay ang pagpapababa ng interes ang kanilang pinagsikapang gawin upang maliit lamang ang madagdag sa sbabayaran ng pamahalaan. Ito rin anya ang lagi niyang sinasabi sa mga local government unit na gawin kung kailangang mangutan ng kanilang pamahalaan. Malaki anyang tulong ang pagpapababa ng interes sa inuutang ng gobyerno dahil ang ibabayad naman dito ay pera din ng mamamayan.