Kabataan ng Barangay Talao Talao nabiyayaan ng libreng school supplies

Namahagi ang pamahalaang panglungsod ng Lucena ng mga school supplies sa Barangay Talao-Talao ngayong araw. Pinangunahan ni Barangay Captain Reil Briones at Sangguniang Barangay ang aktibidad kasama ang iba pang opisyal ng barangay at mga guro ng paaralan sa lugar.

Ayon sa mga magulang ng mga batang nabiyayaan ng school supplies at bag ay malaking tulong ito para sa kanilang mga anak ay hindi na nila kailangang bumili agad ng mga gamit sa eskwela.

Nagpasalamat naman si Kapitan Reil Briones sa biyayang natanggap ng kanyang mga kabarangay mula sa pamahalaang panglungsod.