Kabataang Tanaueño na nagkampeon sa baseball at softball bumisita kay Mayor Antonio Halili

Bumisita kay Mayor Antonio Halili ang mga kabataan ng Tanauan City na lumahok sa Asia Pacific Baseball League na ginanap sa bansang Singapore. Hinirang ang mga kabataang Tanaueño na champion sa Asia Pacific Little League Baseball Tournament. Sa kanilang pagka-panalo ay kakatawanin ng mga ito ang Asia Pacific Region sa World Series Baseball at Softball Tournament na gagawin naman sa Estados Unidos.

Nagpasalamat naman ang Pamahalaang Panglungsod ng Tanauan sa iniuwing karangalan ng mga kabataang Tanaueño para sa kanilang lungsod.

Ang mga manlalaro ay nagsanay sa pamamatnubay ng kanilang coach, Kapitan Ramil Mercado at dating Kapitan Celing Pamute. Katuwang ng mga ito ang pamahalaang lokal ng Tanauan City sa pangunguna ng City Sports Development Office.