Kampanya laban sa Dengue sa Quezon patuloy pa rin!

Tuloy tuloy ang kampanya kontra dengue ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO-Quezon) sa mga bayan sa lalawigan lalo na sa mga bayang may mga kaso ng sakit. Ayon kay Ms. Elen Jetomo, nutrition officer ng IPHO-Quezon may naitala na 459 cases ng dengue ang lalawigan simula Enero 1 hanggang Mayo 13, 2017 na mas mababa naman kumpara noong nakaraang taon (2016) sa katulad ding panahon.

Binanggit pa ng nutrition officer na may limang lungsod at bayan ang may pinakamataas na kaso ng dengue. Una rito ay Lungsod Lucena – 122; Candelaria- 62; Tayabas City- 42; Sariaya- 35; Sariaya-35 at Mauban- 25.

Dahil dito ipinapatupad ng IPHO-Quezon ang programang ABKD o Aksyon Barangay Kontra Droga sa mga bayan sa lalo na sa mga bayan at lungsod na may mga kaso ng dengue. Sa ilalim ng programa, ang IPHO-Quezon ay nagbibibgay ng mga information materials na magiging gabay ng mga pamilya upang makaiwas sa dengue kasama na rito ang mga tamang paraan upang makaiwas sa dengue kagaya ng pagpapanatili ng kalinisan ng loob at labas ng bahay, pagtanggal ng mga tubig sa mga alulod ng bahay at iba pang kasangkapan sa bahay na maaaring pamugaran ng mga lamok kagaya ng mga plorera, aquarium at mga lalagyan ng tubig na walang takip.