Kapanganakan ni Apolinario Mabini ginunita sa Tanauan City

Ipinagdiriwang ngayong linggo sa Lungsod ng Tanauan ang ika isang daan at limamput tatlong kapanganakan ni Apolinario Mabini. Kaugnay nito ay nagsagawa ng isang programa ang Lungsod ng Tanauan katuwang ang Department Of Education. Tinawag na Division Battle of Minds and Talents, ipinakita ng mga mag-aaral ng lungsod ang kanilang talino at galing sa iba’t ibang aspeto na siya ring naglalarawan ng katangian ng pagkatao ng bayaning si Mabini. Isinagawa ang programa sa Mabini Shrine sa Tanauan at ipinamalas dito ng mga estudyante ang kanilang galing, gamit ang iba’t ibang kasuotan at nagpamalas din ng galing sa pag-arte sa murang edad.

Dinaluhan nila Tanauan City Mayot Antonio Halili, Vice mayor Jhoanna Corona at Sangguniang Panglungsod ang programa. Kasama rin sa mga dumalo ang iba’t ibang opisyal ng Department of Education at Sanggunian Barangay ng Barangay Talaga at kapitan nitong si Kapitan Rico Talagsad na isa sa mga apo ni Apolinario Mabini na tubong Tanauan City din.