Komitiba ng peace and order sa Brgy. Ilayang Dupay, walang naitatalang kaguluhan

Walang naitatalang kaguluhan ang komitiba ng peace and order sa Brgy. Ilayang Dupay ang sinabi ni Kapitan Alex Abadilla.

Hindi na umano umaabot ang kaguluhan sa barangay sa kadahilanang magkakamag-anak ang naninirahan sa kanyang nasasakupan.

“Minsan sa isang buwan wala namang nagrereklamo. Halibawa’y hindi mismong taga-rito, taga-roon sa Grand Central Terminal. Kasi doon sa isang purok namin, iba’t ibang lahi ang nandoon. May Bisaya, may Muslim, may Bicol, sakop namin sila, dito sila nag-aayos,” pahayag ni Kapitan Abadilla.

Samantala, binalikan ni Konsehal Nicanor “Manong Nick”Pedro ang kasaysayan ng pitong lahi sa historikong Brgy.

“May napanood akong parang depiction ng kasaysayan na ‘yong mga binabanggit na pangalan ni kapitan, sila ang mga karakter doon. ‘Yon ay panahon ng rebolusyon kaya hindi nakakapagtaka noong pagdating ni Quezon ay nakabarkada niya ‘itong mga ito,” pahayag ni Kon. Manong Nick.

Mapapanood ang iba pang balita tungkol sa Brgy. Ilayang Dupay sa Sabayang Tambayan sa Bandilyo TV at mapakikinggan sa 89.3 Max Radio.