Kon. Brizuela, binigyang diin ang Nobyembre bilang national children’s month

“Hindi po dapat natin kalimutan ang buwan ng Nobyembre,  ay hindi lamang tungkol sa undas o halloween party. Sa pamamagitan ng Republic Act 10661 na ipinasa noong May 29 2015 idineklara ang buwan ng Nobyembre kada taon bilang national children’s month,” ito ang naging pahayag ni Kon. Benito Brizuela sa kanyang prebilihiyong talumpati sa Sangguniang Panglungsod ng Lucena noong Nobyembre 5.

Ayon pa sa kanya, mas kinakailangan ngayon ang proteksyon ng mga kabataan dahil sa patuloy na paglaganap ng child pornography at sexual exploitation dulot ng makabagong panahon.

Samantala, nabanggit din ng konsehal ang isang pahayag ni Sen. Grace Poe na sa kanyang research ay pang-apat ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamalaking source ng Gross National Product ng bansa.