Kon. Manong Nick, nais liwanagin ang paggamit ng pangalan sa hanay ng mga monumento sa Pleasantville

0
529

Isa sa mga napansin ni Konsehal Nicanor Manong Nick Pedro Jr noong a-trenta ng nakaraang buwan sa pagdiriwang sa araw ng dakilang si Andres Bonifacio ay ang tila pagkalito sa paggamit ng pangalan ng lugar kung ano nga ba ang dapat itawag dito.

Dagdag ni Konsehal Manong Nick, bagama’t ito ‘ay maliit na bagay lamang, dapat daw liwanagin o isaayos dahil nasa hurisdiksyon at kapangyarihan ng konseho.

Samantala, ayon pa sa konsehal, marami raw naniniwala sa mga bantayog ng bayaning Filipino na naroroon sa Bonifacio Drive, Pleasantville Subd., Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City kung saan may potensyal daw itong maging isa sa mga tourist spot.