Kon. Pedro, pinuri si Otso Diretso Senatorial Candidate Macalintal

 

Pinuri ni Konsehal Nicanor Manong Nick Pedro Jr si Otso Diretso Senatorial Candidate Romy Macalintal matapos manindigan na walang batas na nagbabawal sa mga barangay officials na makiisa sa pangangampanya para sa nalalapit sa halalan.

Sa pribilehiyong talumpati ni Konsehal Manong Nick, pinasalamatan niya ang prominenteng election lawyer.

“Sinusuportahan din po ng representasyong ito ang opinyong legal ni Atty Mac, pati ng kanyang panawagan na ang sinumang makasuhan umanong mga barangay officials tungkol dito ay kanyang tutulungan ng libreng serbisyong legal, hindi bilang kandidato kundi bilang abogado para sa mga barangay officials,” pagsasaad niya.

Matatandaang ipinaliwanag ni Macalintal sa programang Sanggunian ng 89.3 FM Max Radio at Bandilyo TV na walang nakasaad sa batas na bawal makiisa ang mga barangay officials sa kampanyahan matapos ihayag ng Department of the Interior Local Government (DILG) na posibleng makulong ang mga opisyal ng barangay na makikiisa sa pangangampanya.

Samantala, nauna nang kumalat sa Lungsod ng Lucena na kakasuhan ang sinumang opisyal ng barangay na tutulong sa pangangampanya. Pero ayon kay Manong Nick,

Alam natin kung bakit may ganitong pananakot, hayag ang malakas na suporta ng mga barangay sa team bagong lucena lalo na sa ating alkalde Dondon Alcala at Vice Mayor Philip Castillo.”

Nilinaw naman ng konsehal na walang dapat ikatakot ang mga barangay officials.