Konsehal Vic Paulo, pinasalamatan ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena

 

Naghain ng pribilehiyong talumpati si Konsehal Vic Paulo na may kinalaman sa ginanap na nakaraang halalan kung saan siya ay hindi pinalad para makapagserbisyo muli sa mga Lucenahin.

Dahil huling sesyon na niya ng ika-17 Sanggunian na kanyang madadaluhan, pinasalamatan ni Paulo ang mga bumubuo sa Sangguniang Panlungsod.

“…sa lahat nang sumuporta at umalalay sa akin sa panahon ng aking panunungkulan sa loob ng dalawang termino, maraming salamat po sa inyong lahat.”

Samantala, sinabi ng Konsehal na nakakalungkot man pero ito ay kanyang tinanggap ng maluwag sa kalooban ang naging resulta ng halalan.

 

// Ferdinand Ramilo, 89.3 FM Max Radio