Kumakantidatong alkalde sa Lungsod ng Tayabas, iginiit na dapat unahin ang proyektong imprastraktura

Iginiit ni Abner Malabanan na kasalukuyang kumakandidato sa pagka-alkalde ng Lungsod ng Tayabas na ang dapat na unahing proyekto sa lungsod ay ang imprastraktura tulad ng mga terminal ng TODA dahil mahina daw ang ekonomiya.

Ito ang kanyang sinabi sa eksklusibong panayam ng 89.3 Max Radio FM at Bandilyo TV sa Programang Political Agenda.

Giit pa ni Malabanan, dapat ay inaalalayan ang mga TODA dahil walang kakayanan ang mga ito.

At sa pag-iikot rin daw ni Malabanan ay may nakita siya na irrigation sa isang barangay na hindi sementado kung kaya’t isa ito sa mga aayusin niya sakali man siya ay palarin sa 2019 midterm elections.